Home / Series / Linlang / Aired Order /

All Seasons

Season 1

  • S01E01 Episode 1

    • October 5, 2023
    • Prime Video

    Si Victor Lualhati ay isang dating boksingero na ngayon ay nagtatrabaho bilang isang seaman. Ang tanging gusto nito sa buhay ay isang kumpleto at masayang pamilya kasama ang asawang si Juliana. Sa kanyang pag-uwi matapos ang mahabang panahon, mapapansin ni Victor ang mga pagbabago sa asawa. Makakabasa ito sa selpon ni Juliana ng kahina-hinalang mensahe mula sa hindi nakarehistrong numero.

  • S01E02 Episode 2

    • October 5, 2023
    • Prime Video

    Matapos madiskusbre ang pangangaliwa, susubukan ni Juliana na magpaliwanag kay Victor. Subalit mauuwi lang ito sa mas malalang pag-aaway na makakaapekto at magpapahamak sa anak nilang si Abby. Dahil dito, magdedesisyon si Victor na ayusin ang pagsasama nilang mag-asawa at kalimutan na ang lahat. Ngunit, isa pang lihim ang kanyang matutuklasan—ang totoong pagkakakilanlan ng kalaguyo ni Juliana.

  • S01E03 Episode 3

    • October 12, 2023
    • Prime Video

    Sa araw ng parangal kay Amelia bilang ulirang guro, sasambulat sa kanya ang isang malagim na katotohanang tinatago ni Juliana. Habang sa pagpapatuloy naman ni Victor sa kanyang pag-iimbestiga, gagamitin niya ang kanyang medikal na kondisyon para mapalutang ang tunay na kabit ni Juliana na hahantong sa isang malagim na komprontasyon.

  • S01E04 Episode 4

    • October 12, 2023
    • Prime Video

    Ilalantad ni Victor ang lihim na relasyon nina Juliana at Alex, ngunit wala siyang sapat na ebidensya upang patunayan ang kanyang akusasyon. Mas magiging kumplikado pa ang sitwasyon nang piliin ni Sylvia na pagtakpan ang asawang si Alex. Magsasampa na ng annulment si Juliana. Hindi ito magugustuhan ni Victor kaya gagawa siya ng paraan upang pagbayarin sa batas sina Juliana at Alex.

  • S01E05 Episode 5

    • October 19, 2023
    • Prime Video

    Magsasama ulit sina Victor at Juliana sa iisang bahay para kay Abby. Babalik ang dati nilang samahan bilang mag-asawa, na labis na ikakaselos ni Alex. Malalaman naman ni Juliana na mag-aampon sina Sylvia at Alex. Dahil dito, unti-unting magkakalamat ang relasyon nila ni Alex, na malalagay sa panganib na madiskubre ng kani-kanilang mga pamilya.

  • S01E06 Episode 6

    • October 19, 2023
    • Prime Video

    Dahil sa panggigipit ni Juliana, mapipilitan si Victor na bumalik sa pagbo-boksing para sa kaniyang pamilya sa tulong ng dating kaaway. Magiging partner naman sa law firm si Alex. Habang pataas nang pataas ang mga nakataya, may matutuklasan si Juliana na tiyak na ikakasira nila ni Alex. Hindi naman magpapapigil si Victor upang alamin ang bagong sikreto ng asawa.

  • S01E07 Episode 7

    • October 26, 2023
    • Prime Video

    Labis na masasaktan si Kate matapos madiskubre ang lihim ng kapatid na si Juliana. Lalong magkakagulo ang mag-asawa matapos makatanggap ni Juliana ng malisyosong larawan ni Victor. Bagamat lumabas na ang resulta ng DNA test, mangingibabaw pa rin ang pagdududa kay Victor. Lingid sa kaalaman ng lahat, isa sa kanila ang may hawak ng katotohanan sa likod ng pinagbubuntis ni Juliana.

  • S01E08 Episode 8

    • October 26, 2023
    • Prime Video

    Matapos mahuli sa aktong pagtakas, ipagkakait na ni Victor si Abby kay Juliana at magpapakalayo-layo. Ngunit habang kasama ang anak, makikita ni Victor kung paano ito naapektuhan sa nangyayari. Alang-alang sa bata, makikipagkasundo siya kina Juliana at Alex na ibigay sa kanya ang kustodiya ni Abby kapalit ng hindi niya pagsampa ng kasong adultery. Ngunit isa na namang panlilinlang ang magaganap.

  • S01E09 Episode 9

    • November 2, 2023
    • Prime Video

    Habang papalapit ang pagdinig sa korte ng adultery case na isinampa ni Victor, gagawin niya ang lahat upang makuha ang pinakamalakas na testigo laban kay Alex—ang tapat nitong asawa na si Sylvia. Isa na namang kagula-gulantang na rebelasyon ang matutuklasan ni Victor tungkol sa kanyang pagkatao. Dahil sa desperasyon, mailalagay nina Alex at Juliana sa kapahamakan ang kanilang magiging anak.

  • S01E10 Episode 10

    • November 2, 2023
    • Prime Video

    Labis na maaapektuhan ang lahat sa pagkawala ng dinadala ni Juliana. Isa pang napakabigat na problema ang kakaharapin nila ni Alex ngayong may solidong ebidensya na si Victor laban sa kanila. Mauuwi sa isang trahedya ang labis na pagmamahal ni Sylvia para sa asawang si Alex. Paglipas ng ilang taon, marami ang magbabago, at mabubulgar na ang mga susunod na hakbang ni Victor.

  • S01E11 Episode 11

    • November 9, 2023
    • Prime Video

    Pagkatapos ng ilang taong pagkakakulong, sisikapin ni Victor na mabawi ang lahat ng mga nawala sa kanya. Isa na rito ang anak na si Abby. Ngunit hindi magiging madali ang paglinis ng kanyang pangalan at pagkuha ng tiwala ng lahat dahil sa mga pagdududa sa kanya si Juliana. Samantala, umaasa si Alex na magiging kasyosyo sa negosyo si Emilio ngunit may hahadlang sa kanyang mga plano.

  • S01E12 Episode 12

    • November 9, 2023
    • Prime Video

    Habang nagkakalamat ang samahan nina Alex at Emilio, sasamantalahin ito ni Victor upang mapapirma ang kapatid sa bagong boxing promotion. Unti-unting nang aayon kay Victor ang lahat matapos maibalik ang dating relasyon sa anak at maikasal kay Olivia. Sa pag-iimbestiga ni Alex kung sino ang tumutulong sa kapatid, makakadiskubre si Victor ng panibagong kasinungalingan ukol sa pagkamatay ni Sylvia.

  • S01E13 Episode 13

    • November 16, 2023
    • Prime Video

    Imumulat ni Victor ang mga mata ni Juliana sa totoong pagkatao ni Alex. Dahil dito, pagsisisihan ni Juliana ang pagsira niya ng kanyang buhay para kay Alex. Upang tapusin na ang ugnayan nina Victor at Juliana, tutulong na si Olivia sa paglinis ng pangalan ng asawa. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magaganap.

  • S01E14 Episode 14

    • November 16, 2023
    • Prime Video

    Habang hindi pa rin nahahanap si Olivia, babalik si Juliana sa panig ni Alex. May aaminin si Alex sa otoridad, samantalang makakakuha si Victor ng ebidensyang maaaring magbigay-linaw sa pagkamatay ni Sylvia. Habang nahaharap sa matinding dilema si Amelia, magtatapat sa huling laban ang mga anak nitong sina Victor at Alex.