Sasabihin ni Mila kay Lemuel ang kanyang tunay na pagkatao at ibubunyag ang sabwatan sa nangyayaring imbestigasyon sa apat na nawawalang kasambahay. Habang patuloy ang plano nina Leona at Olga laban sa mga Fieros, malalaman ni Aidan na buhay pa si Carlos pero hindi ang plano nitong patayin si Lala sa tulong ni Alejandro. Lingid sa kanilang kaalaman, makakahanap ng kakampi sina Alexa.