All Seasons

Season 3

  • S03E01 #PBBTheBigCollab

    • March 9, 2025

    Sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya, sunod-sunod agad ang mga paandar at pasabog! Ipinakilala na ang mga Kapuso at Kapamilya na magiging housemates ni Kuya. Nakilala rin natin ang celebrity houseguest na mananatili sa Bahay! Samantala, ang mga hosts ay tila may task na lubos nilang ikinagulat.

  • S03E02 #PBBCollabOfStars

    • March 10, 2025

    Nakilala na ng mga Kapuso at mga Kapamilya Housemate ang isa’t isa. Kasama ang mga Hosts, sabay sabay nilang hinarap ang unang hamon ni Kuya! Napagtagumpayan man nila matapos ang task, hindi naman nila ito natapos sa itinakdang oras. Ang celebrity Houseguest ni Kuya na si Ivana at surprise Housemate na si Michael, tuluyan na ngang pumasok sa bahay

  • S03E03 #PBBCollabFirsts

    • March 11, 2025

    Si Mavy ang pinili ni Kuya na manatili sa Bahay. Samantala, mukhang napapalapit na talaga ang mga Housemates sa isa’t isa! At sa unang pagkakataon ay nakausap ng Housemates si Kuya. Tila naging emosyonal ang lahat matapos ibahagi ang kani-kanilang mga personal na kwento.

  • S03E04 #PBBCollabTwist

    • March 12, 2025

    Tuluyan na ngang naging malapit ang loob ng Housemates sa isa’t isa matapos ang naganap na pag babahagi ng kanilang mga personal na kwento. Kuya, may rebelasyon tungkol sa tunay na kahulugan ng Collab.

  • S03E05 #PBBCollabDuo

    • March 13, 2025

    Kuya, inilahad na sa mga Housemate kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Collab. Kinilala rin niya ang mga Duo na nabuo. Sumabak na ang Housemates sakanilang unang weekly task.

  • S03E06 #PBBCollabPartyParting

    • March 14, 2025

    Housemates, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ni Josh. Tila naging emosyonal naman si Josh nang kanyang alalahanin ang mga personal na pinagdaanan. Samantala, ipinaalam na ni Kuya kay Mavy ang nakatakda nitong pag-alis. Sa pamamaalam ni Mavy, bumuhos ang emosyon ng mga Housemate at hindi na napigilan ni Ashley ang kanyang lungkot.

  • S03E07 #PBBCollabSalamatIvana

    • March 15, 2025

    Ivana, kinausap si Charlie at binigyan ito ng advice. Nagawang mapagtagumpayan ng Housemates ang kanilang unang weekly task. Ivana, sinabi na sa Housemates na siya ay isang house guest lamang at namaalam na nga sa mga ito.

  • S03E08 #PBBCollabJowaOTropa

    • March 16, 2025

    Naisipan ng Housemates na bumuo ng grupo para sa kanilang household chores. Tila tumataas ang tensyon sa pagitan ng mga Housemates dahil dito. Naglaro ang Housemates ng Jo-jowain o To-tropahin. Samantala, inamin na ni Ivana sa kanyang mga kasama na siya’y isang Houseguest lamang. Naging madamdamin at emosyonal ang kanyang pamamaalam. Sinamantala niya ang pagkakataon upang ilahad ang kanyang impression sa bawat isa sa mga Housemates. Matapos nito, ang Housemates naman ang nagbigay ng kanilang mensahe para kay Ivana.

  • S03E09 #PBBCollabParusa

    • March 17, 2025

    Hinarap ng Housemates ang parusang ipinataw ni Kuya sakanila dahil sa patong-patong nilang violations. Samantala, naging emosyonal ang kwentuhan ni Kuya at Brent matapos ilahad ni Brent ang mga personal na pinagdaanan. Ang Housemates, nag tipon upang pag usapan ang mga nangyari sa mga nakaraang araw.

  • S03E10 #PBBCollabHousemateReveal

    • March 18, 2025

    Nakatanggap ang Kapamilya Housemates ng isang task mula kay Kuya, at ang magiging kapalit nito ay isang Immunity Shield na maaari nilang ibigay sa isang Kapuso Housemate, na magiging ligtas sa paparating na nominasyon. Napili ng mga Kapamilya Housemates na ibigay ang Immunity Shield kay Charlie, at hindi napigilan ang pagbuhos ng kanyang emosyon.

  • S03E11 #PBBCollabNewDuos

    • March 19, 2025

    Nakilala na natin ang bagong set ng Duos. Naging emosyonal at puno ng tensyon ang mga kaganapan sa Bahay ni Kuya; nakaranas ng homesickness si Ashley, habang pinagusapan naman nila ni AC ang namumuong issue sa pagitan nila. Inatasan ni Kuya si Esnyr na ipakilala sa Housemates ang kanyang iconic characters.

  • S03E12 #PBBCollabClassmates

    • March 20, 2025

    Ang mga characters ni Esnyr, nakipag-bonding sa mga Housemates. Samantala, bago tuluyang makapasok sa Bahay si Bianca ay inatasan siya ni Kuya na gumanap bilang Precious — ang isa sa mga characters ni Esnyr. Sa pagdating ni Bianca, siya ay masayang sinalubong ng Housemates!

  • S03E13 #PBBCollabNewHousemate

    • March 21, 2025

    Sa pagpasok ni Bianca sa Bahay, ramdam ang tensyon sa pagitan nila ni AC. Ipinaalam na rin ni Kuya sa mga housemates ang tungkol sa kanilang second weekly task. Sinamantala ni AC na kausapin si Bianca para malinaw ang mga hindi pagkakaunawaan. Hindi napigilan ni AC na maging emosyonal matapos ilahad kay Kuya ang kanyang nararamdaman at personal na pinagdaraanan.

  • S03E14 #PBBCollabOneShotFilm

    • March 22, 2025

    Sa pagharap ng Housemates sa kanilang second weekly task, ramdam ang pressure at tensyon sa gitna ng kanilang paghahanda. Hindi mapigilan ni Mika na maging emosyonal dahil sa takot na magkamali bilang task leader. Masasaksihan na ang one shot film ng Housemates na pinamagatang 'And The Prom Queen Is...' kung saan featured ang mga characters mula sa Esnyr Multiverse! Matapos ang kanilang second weekly task, inilahad na ni Kuya sa Housemates ang naging resulta ng kanilang performance. Samantala, inanunsyo na rin ang bagong Kapuso Houseguest

  • S03E15 #PBBCollab1stNomi

    • March 23, 2025

    Bumuhos ang emosyon ng Housemates dahil sa naging resulta ng kanilang second weekly task. Si River, sinisi ang sarili dahil sa naging pagkakamali sa kanilang task. Isang bagong task ang ibinigay ni Kuya sa mga housemates: magluto ng iba't ibang putahe na kanilang ihahain para sa bagong Houseguest na si Gabbi. Sa unang nominasyon, inilahad na ng Housemates ang kanilang kanya-kanyang saloobin habang nagdedesisyon kung sino-sino nga ba ang bibigyan nila ng puntos. Makikilala na rin natin kung aling mga duos ang nominado ngayong linggo.

  • S03E16 #PBBCollabNomiDuos

    • March 24, 2025

    Matapos ang naganap na nominasyon, labis na naging emosyonal ang mga Housemates — kabilang na rito sila Ashley, Will, at Michael, na lubhang naapektuhan dahil sa pagiging nominado. Naging usap-usapan sa mga Housemates ang naganap na botohan. Samantala, binigyan naman ni Kuya ng task si Gabbi upang mas mapalapit pa ang mga Housemates sa isa't isa. Sa pamamagitan ng isang exercise, inilahad ng Housemates ang kanilang mga nais sabihin sakanilang kapwa Housemate.

  • S03E17 #PBBCollabBigBoys

    • March 25, 2025

    Tila mas lumalim ang koneksyon ng mga housemates matapos silang mag-open up sa isa’t isa. Nag-bonding din ang mga housemates sa pamamagitan ng pag-arte. Binigyan naman ni Kuya ng task ang boys na magbigay ng serbisyo at aliw sa mga girls. Matapos nito, inatasan din ni Kuya ang boys na gumawa ng jingle at choreography na kanilang ipapakita sa harap ng mga housemates.

  • S03E18 #PBBCollabBigGirls

    • March 26, 2025

    Simula na ng kompetisyon para sa Pinoy Big Boys! Matapos ang laban, sa huli ay si Ralph ang tinanghal na Pinoy Big, Bigger, Better, Best Boy 2025! Isang task naman ang inatas ni Kuya kay Gabbi — isang salo-salo kung saan haharapin ng Housemates ang kanilang mga mahal sa buhay at sasagutin ang mga tanong na nakahain sa mesa. Ito ang paraan ni Kuya upang mas mapalalim ang koneksyon ng Housemates sa kanilang pamilya. Bumuhos ang emosyon nang humarap sina Ralph at Ashley sa hapag kainan.

  • S03E19 #PBBCollabBeMyGuest

    • March 27, 2025

    Inatasan ni Kuya sina Esnyr at Bianca na maghanda ng sorpresa para kay Gabbi, na nakatakdang magpaalam sa kanila. Samantala, sa pagpapatuloy ng task, sina Michael, Will, AC, at River naman ang humarap. Bumuhos ang kanilang emosyon habang ibinabahagi nila ang kani-kanilang mga nararamdaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakahain. Sinorpresa naman ni Kuya si Gabbi, at agad naging emosyonal si Gabbi nang matanggap ang mensahe mula sa kanyang mga magulang. Ibinahagi rin ni Gabbi ang mga koneksyon na nabuo niya sa mga Housemates. Sa huli, naging matagumpay ang sorpresa na inihanda ng Housemates para kay Gabbi.

  • S03E20 #PBBCollabKimPauRes

    • March 28, 2025

    Sa pagpapatuloy ng despedida ni Gabbi, inilahad ng Housemates ang kani-kanilang mensahe para sa kanya. Kinantahan din ng Housemates si Gabbi ng kanilang orihinal na kanta. Samantala, ipinatawag ni Kuya sina Esnyr at Dustin upang ipaalam ang kanilang weekly task — ang 'Pinoy Big Pares,' kung saan magbebenta sila ng pares para sa mga nasa outside world. Habang abala ang Housemates sa kanilang task, dumating ang mga Houseguest ni Kuya na sina Kim at Paulo, o mas kilala bilang KimPau. Sa kanilang pagdating, agad silang nakipag-bonding sa Housemates.

  • S03E21 #PBBCollab1stDuoEviction

    • March 29, 2025

    Sa kabila ng mga kinaharap na problema at hamon ng Housemates, nagawa nilang mapagtagumpayan ang kanilang weekly task. Samantala, hinarap na ng Housemates ang unang eviction night. Sino nga ba sa mga nominado na duos ang tuluyan nang mamamaalam sa Bahay Ni Kuya?

  • S03E22 #PBBCollabCrown

    • March 30, 2025

    Dahil sa mga naging tuksuhan, minabuti nila AZ at Dustin na linawin ang namamagitan sakanila. Atin din nasaksihan ang mga kaganapan bago at matapos ang eviction night! Samantala, hinarap ng Housemates ang panibagong hamon mula kay Kuya upang kanilang makilala ang bagong makakasama sa Bahay. Nang mapagtagumpayan ang task, nakilala na ng Housemates si Michelle. Ipinakilala na rin ang mga bagong Kapuso at Kapamilya Housemate na papasok sa Bahay Ni Kuya!

  • S03E23 #PBBCollab3rdNewDuos

    • March 31, 2025

    Mas kinilala pa ng Housemates si Michelle. Samantala, inilahad na ni Kuya na muling magkakaroon ng panibagong duos. Hinarap ng Housemates ang isang task para sakanilang duo formation — kung saan ang may pinaka-mataas na rank ay siyang may kapangyarihan mamili ng magiging duo. Ang mga bagong Kapuso at Kapamilya Housemates na sila Vince at Emilio, nakatanggap ng task mula kay Kuya!

  • S03E24 #PBBCollabBlonDeeVa

    • April 1, 2025

    Pumasok sila Emilio at Vince bilang jesters at kinakailangan mahulaan ng Housemates kung sino sila. Nag bigay aliw naman sila Michelle, Klarisse, at Esnyr sa loob ng bahay. Housemates, hindi mapigilan ang emosyon nang inilahad kung ano nga ba ang mga misconceptions tungkol sakanila at ano pa ang dapat malaman patungkol sakanila.

  • S03E25 #PBBCollabSharing

    • April 2, 2025

    Matapos ang paglalahad ni Esnyr, agad na pinagaan ng Housemates ang kanyang loob. Nag tuloy-tuloy na ang madamdamin na pagbabahagi ng Housemates tungkol sa mga misconceptions sakanila at ang iba pang mga nais nila ilahad. Sa pagbabahagi ni Klarisse, kanyang inamin ang totoo — na siya ay isang Bisexual. Agad na nagpakita ng suporta at pagtanggap ang Housemates sakanya. Isang task naman ang ibinigay sa mga Housemate, kinakailangan nila gumawa ng almusal. Napagtagumpayan ito nila Charlie at Esnyr.

  • S03E26 #PBBCollabConnections

    • April 3, 2025

    Tila agad na nakuha ni Bianca ang atensyon ng mga Housemates mula sa pag pasok nito sa bahay — lalo na ang atensyon nila Will at Dustin. Nagkaroon ng pagkakataon si Will na kausapin si Bianca tungkol sa samahan nila. Si Dustin, tila may namumuong pagtingin kay Bianca. Samantala, binigyan ni Kuya ng panibagong task ang Housemates. Kinakailangan silang turuan ni Michelle kung paano rumampa. Ngunit may twist—kailangan nilang rumampa nang patalikod. Dahil dito, humarap sila ng masinsinang training upang magtagumpay sa task. Habang abala ang lahat sa pagsasanay, mas lumalim naman ang koneksyon nina Bianca at Dustin matapos nilang mag-usap at mas makilala ang isa’t isa.

  • S03E27 #PBBCollabFlags

    • April 4, 2025

    Inatasan ni Kuya ang mga Housemates na mag-bigay puntos sa kung sino ang sa tingin nilang nagpapakatotoo at hindi. Matapos lumabas ang naging resulta ng naganap na botohan, bumuhos ang emosyon nila Mika at Bianca.

  • S03E28 #PBBCollabRampaApmar

    • April 5, 2025

    Labis na naging malapit sa puso ni Klarisse ang binuong kanta para sakanilang one-shot film. Si Kuya, inatasan si Klarisse na tapusin ang ginawang kanta. Samantala, tuluyan na ngang namaalam si Michelle sa mga Housemates. Hinarap naman ng Housemates ang task nila kung saan kinakailangan nila rumampa. Si Klarisse, nakatanggap ng madamdamin na mensahe mula sa ina.

  • S03E29 #PBBCollab2ndNomiDuos

    • April 6, 2025

    Kuya, inilahad sa Housemates na hindi sila nagtagumpay sakanilang weekly task. Humarap ang Housemates sa panibagong hamon upang makakuha ng immunity. Sino-sino nga kaya ang mga duos na magiging nominado at manganganib na mamaalam sa Bahay Ni Kuya?

  • S03E30 #PBBCollabSanyaAll

    • April 7, 2025

    Inatasan ni Kuya ang mga girls na mamili ng lima sa mga boys na sasabak sa dating game, kung saan mamimili ang Houseguest na si Sanya ng makakasama! Samantala, matapos naman ang naganap na nominasyon ay naging usap-usapan ng Housemates ang ilan sa mga naging komento noong botohan.

  • S03E31 #PBBCollabBoysNightOut

    • April 8, 2025

    Kuya, inatasan ang girls na bumuo ng performance bilang isang girl group. Samantala, magkakaroon naman ng night out ang boys. Sa gitna ng night out, tila nagkakalabasan na ng mga labis ilahad ang mga boys! Ang Houseguest ni Kuya na si Kim Ji Soo, ipinakilala na.

  • S03E32 #PBBCollabOppa

    • April 9, 2025

    Bumuhos ang nararamdaman ng boys matapos ang kanilang night out. Si Will, tila nagkaroon ng lakas ng loob na ilahad kay Bianca ang mga nais nitong sabihin. Tuluyan naman nang pumasok sa bahay ang Houseguest na si Kim Ji Soo! Sakanyang pag dating, nasaksihan niya at ng boys ang performance ng girls bilang isang girl group.

  • S03E33 #PBBCollabJisooLife

    • April 10, 2025

    Masayang isinalubong ng mga Housemates and kanilang bagong Houseguest na si Kim Jisoo. Ibinigay na ni Kuya ang kanilang Weekly Task sa bagong Task Leaders na sila Michael at River AKA MicVer. Matapos nito, agad na sinimulang paghandaan ng mga Housemates ang kanilang task. Binahagi ni Kira ang sitwasyon ng kanyang magulang kay Kuya. Nagkaroon ng pagkakataon si Kira upang ilabas ang kanyang damdamin at hangarin para sa kanyang magulang.

  • S03E34 #PBBCollabPDrama

    • April 11, 2025

    Tila hirap ang Housemates sakanilang task. Si Kuya, nag bigay ng task na maaaring makatulong sa isa pa nilang task. Bilang task leaders, pinaghandaan nila Will at Dustin ang kanilang task — kung saan kinakailangan nila bumuo ng mga kwento na filipino at si Ji Soo ang bibida! Kailangan ni Ji Soo na mag salita ng tagalog sakanilang pagtatanghal.

  • S03E35 #PBBCollab2ndDuoEviction

    • April 12, 2025

    Muling haharap ang Housemates sa eviction night! Sino-sino nga kaya sa mga nominado ang nanganganib na mamaalam sa Bahay Ni Kuya? Nilinaw nila Ralph at AZ ang totoong nararamdaman sa isa’t isa at ang namamagitan sakanila. Samantala, tila nagkakaroon ngn hindi pagkakaunawaan sila Bianca at Dustin.

  • S03E36 #PBBCollabTampuhan

    • April 13, 2025

    Tila mas lumalalim ang tampuhan sa pagitan nila Dustin at Bianca, apektado sa mga nangyayari. Hindi nagtagal, nagkalinawan na rin sila at napagusapan ang ugat ng kanilang mga problema. Sa gitna nito, inamin ni Dustin ang nararamdaman para kay Bianca. Housemates, hinarap ang hamon ng kanilang weekly task. Sakabila ng mga paghihirap, nagawa nilang mapagtagumpayan ito! Matapos naman ang naging pamamaalam nila Charlie at Kira ay bumuhos ang emosyon ng Housemates. Tila labis na naapektuhan ang mga malalapit na kaibigan nilang sila Josh at AZ. Samantala, atin naman makikilala ang mga pinakabagong papasok sa Bahay Ni Kuya!

  • S03E37 #PBBCollabPresscon

    • April 14, 2025

    Pinaghandaan ng mga Housemate ang isang press conference sa Bahay ni Kuya, bilang press. Sa pagkakataong ito, mas nakilala pa nila sina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat. Sunod naman ay isang bagong challenge na bigay ni Kuya, ang resulta ay magtatakda kung sino ang mga bagong DUOS para sa parating na pagsusubok at hamon sa loob ng Bahay ni Kuya.

  • S03E38 #PBBCollabStopBashing

    • April 15, 2025

    Nakatanggap ng isang surpresa sila Klarisse at Mika mula kay Kuya. Samantala, nag bahagi naman ang Housemates tungkol sa mga natatanggap na bash. Labis na naging emosyonal ang ilan sakanila dahil dito. Vince, hinarap ang boys patungkol sa mga nagiging biruan sa bahay.

  • S03E39 #PBBCollabBloom

    • April 16, 2025

    Sa pagpapatuloy ng usapan ng boys, kanilang inilahad sa isa’t isa ang mga personal na saloobin. Samantala, isang surpresa ang bumungad sa mga Housemate! Ang Housemates, haharapin ang isang panibagong task ngayong semana santa. Si Klarisse, hindi naging emosyonal nang maalala ang ama. Ang houseguests ni Kuya na sila BINI Jhoanna at BINI Stacey, tuluyan na ngang pumasok sa Bahay!

  • S03E40 #PBBCollab3rdNomiDuos

    • April 20, 2025

    Sa pagpasok nila BINI Jhoanna at BINI Stacey sa Bahay, agad silang binigyan ng task ni Kuya. Sa pamamagitan nito ay kanilang nakilala ang Housemates. Samantala, sa gitna ng pagharap ng Housemates sakanilang task ay tila namumuo ang mga di pagkakaunawaan at tensyon. Ating kilalanin ang mga duos na nanganganib ngayong ikatlong nominasyon! Sino-sino nga kaya sila?

  • S03E41 #PBBCollabTapatan

    • April 21, 2025

    Ang Housmates, naging emosyonal matapos ang naganap na nominasyon. Nagkaroon naman ng hindi pagkakaunawaan sila Klarisse at Dustin na nauwi sa alitan.

  • S03E42 #PBBCollabTension

    • April 22, 2025

    Naging usap-usapan sa Bahay ang naging hidwaan nila Klarisse at Dustin. Tila labis pa rin na apektado sila Klarisse at Dustin dahil sa mga nangyari. BINI Jhoanna at BINI Stacey, ibinahagi ang mga natatanggap na bash. Humarap naman sa isang panibagong task ang mga Housemates! Ipinakita nila ang kanilang pagtatanghal ng kantang “Kapit Lang” ng BINI gamit ang sign language.

  • S03E43 #PBBCollabBINIJhoCey

    • April 23, 2025

    Isang putahe ang inihanda nila BINI Jhoanna at BINI Stacey sa mga Housemate sakanilang huling pananatili sa bahay. Nag handog naman ang Housemates ng isang surpresa para sa BINI! Samantala, tila may prank si Kuya para kila Jhoanna at Stacey bago sila tuluyang mamaalam.

  • S03E44 #PBBCollabBottleTheories

    • April 24, 2025

    Sa pagpapatuloy ng PBB Celebrity Collab, hindi naitago ng mga nominadong Housemates and kanilang nararamdaman sa nakuhang resulta ng botohan. Dahil dito, naging puno ng usap-usapan sa loob ng Bahay ni Kuya. Nagkaroon na rin ng pagkakataon na magusap si Dustin at Klarisse sa nangyareng sagutan sa pagitan nila na napunta rin sa pagkakaunawaan nilang dalawa. Nagulat ang mga Housemates nang may narinig silang kapana-panabik na tunog at mga bote na may mga laman na papel. Binigyan ni Kuya ang mga nominadong housemates ng pagkakataon na malaman ang mga rason bakit sila binigyan ng boto upang maging nominado. Dahil dito, Inisa-isa nila ang mga bote na may rason kung bakit sila binoto ng kanilang kapwa Housemates.

  • S03E45 #PBBCollabSaingKings

    • April 25, 2025

    Bilang remembrance, nagrequest ng picture ang mga boy Housemates para sa pagala-ala ng moment na ito. Matapos ang picgure taking, binasa ng MILI ang mga dahilan ng pagkanominado nila. Kinabukasan, tinuruan nina Emilio at Ralph magsaing ang mga Housemate gamit ang dalawamg rice cooker na bigay ni Kuya, na sinundan naman ng masayang Rap Battle. Tinawag naman ni Kuya sina Emilio at Vince para sa bagong Weekly Task, kung saan silang dalawa ang naging task leaders. Sa gitna ng kanilang pagsasanay, binigyan ni Kuya ang co-leaders ng dalawang importanteng offer na kailangang pag-isipan nang mabuti.

  • S03E46 #PBBCollab3rdDuoEviction

    • April 26, 2025

    Ang task leaders na sila Vince at Emilio, tila nahirapan mag desisyon para sakanilang task. Sa huli, nagawa nilang mapagtagumpayan ito! At sa muling pagharap ng mga nominado sa ikatlong eviction, sasalubungin na natin kung sino sakanila ang tuluyan nang mamamaalam sa bahay.

  • S03E47 #PBBCollabViolations

    • April 27, 2025

    Sa araw ng eviction night, nagbigay ng punishment si Kuya sa mga Housemates na may violation. Nanguna sa binigyan ng punishent si Shuvee dahil sa dami ng kanyang nagawang violation. Sumunod na rin ang iba pang Housemates na nakagawa ng violations. Sila ay pinapasok sa isang "Mundo" kung saan doon nila gagawin ang mga utos ni kuya nang hindi umaalis sa loob nito. Dahil dito, naunawaan at napagtanto ng mga Housemates ang mga ginawa nilang violations sa loob ng Bahay ni Kuya.

  • S03E48 #PBBCollabMessenger

    • April 28, 2025

    Humarap ang Housemates sa duo formation task. Matapos nito ay nabuo na ang bagong set of duos. Sa pagpasok ni Donny sa bahay, ibinahagi nito sa Housemates ang mga regalo mula sa mga minamahal nila sa buhay. Bumuhos ang emosyon nang kanilang matanggap ang mga regalo.

  • S03E49 #PBBCollabLetters

    • April 29, 2025

    Natanggap na ng Housemates ang mga letters mula sakanilang pinakamamahal sa buhay. Si AZ, tila labis na apektado sa natanggap na letter. Sa tuluyang pagpasok ni Donny, hindi maiwasan ni Shuvee na kiligin. Nakatanggap ito ng isang task mula kay Kuya dahil rito. Inilahad na ni Kuya sa Housemates ang kanilang magiging panibagong task.

  • S03E50 #PBBCollabDonnyAdvice

    • April 30, 2025

    Pagkatapos makuha ni AZ ang points para sa kanyang sulat, binigay ng mga Housemates ang pagkakataon upang mabasa ang sulat. Pagkatapos basahin ni AZ ang sulat na galing kay Larkin, naging emosyonal ito na tiyak namang dinamayan ng mga Housemates. Nagpatuloy ang task ng mga Housemates para mabasa ang mga letrang ipinadala sa kanila. Sumunod na nakatapos ng task si Shuvee kaya nagkaroon na sya ng pagkakataong mabasa ang sulat na binigay kanyang Ama.

  • S03E51 #PBBCollabGameNight

    • May 1, 2025

    Donny, nag bigay ng advice kila AZ at Shuvee matapos nila ilahad ang saloobin at nararamdaman tungkol sa mga natanggap na sulat. Samantala, sila Josh at Will naman ang nabigyan ng pagkakataon na mabasa ang mga sulat nila. Hindi mapigilan ang pag buhos ng emosyon matapos nilang basahin ang mensahe ng mga mahal sa buhay. Si Kuya, inatasan si Donny sa game night kasama ang Housemates!

  • S03E52 #PBBCollabNightOut

    • May 2, 2025

    Sa pagbabalik sa Bahay ni Kuya, nagpatuloy ang Game Night na pinangunahan ni Donny. Nagkaroon din sila ng Bahay ni Kuya Night Out kung saan lumabas ang iba’t ibang emosyon ng mga Housemates tungo sa kanilang kapwa Housemates. Dahil sa Night Out, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Housemates na malabas ang kanilang emosyon at kasayahan sa loob ng Bahay ni Kuya. Ito rin ay nagbigay daan upang mas makilala ang ibang mga Housemates.

  • S03E53 #PBBCollabAfterParty

    • May 3, 2025

    Matapos ang kanilang game night at inuman, pinagpatuloy na ng Housemates ang pagharap nila sa task upang mabasa na nila ang nilalaman ng kanilang kanya-kanyang mga sulat. Bumuhos ang emosyon ng bawat isa matapos malaman ang mensahe ng mga mahal nila sa buhay para sakanila. Samantalang sila AZ at Ralph naman, tila ilang sa isa’t isa matapos ang ginawang pag-amin ni AZ.

  • S03E54 #PBBCollab4thNomiDuos

    • May 4, 2025

    Xyriel, tila nalagay sa alanganin ang kalagayan. Matapos nito, isang secret task ang hinarap ng Housemates para kay Donny. Sumabak na ang Housemates sa task upang makuha ang immunity. Sa huli, sila Esnyr at Mika ang nagwagi. At sa ika-apat na nominasyon, makikilala na natin ang mga manganganib na mamaalam sa Bahay Ni Kuya.

  • S03E55 #PBBCollabSundoDonny

    • May 5, 2025

    Nabigyan ng pagkakataon ang Housemates na sumulat ng liham para sakanilang mga minamahal sa buhay sa outside world. Xyriel, inilahad ang pagpapatawad sa ama sakanyang liham. Samantala si AZ, kinlaro na ang namamagitan sakanila ni Larkin. Nakatanggap naman ng surpresa si Donny mula sa Housemates! Hindi nito maiwasan na maging emosyonal habang binabasa ang sulat na natanggap.

  • S03E56 #PBBCollabGinoongDavid

    • May 6, 2025

    Nakatanggap ng makeover ang mga Housemates! Matapos ang naganap na nominasyon, tila tumataas ang tensyon at emosyon sa pagitan nila. Kinausap naman ni Klarisse si Kuya patungkol sa natanggap na parusa ni Shuvee. At si David, tuluyan na ngang pumasok sa bahay! Naisipan nito i-prank ang kanyang kaibigan na si Dustin.

  • S03E57 #PBBCollabSecretPicture

    • May 7, 2025

    Tila may tampuhan pa rin sa pagitan nina Bianca at Dustin. Samantala, ibinahagi ni Bianca kay Kuya ang kanyang saloobin tungkol sa naging pag-uusap nila ni Dustin. Si David naman, sinamantala ang pagkakataon para magbigay ng payo kay Dustin tungkol sa kanila ni Bianca. Isang secret task ang ibinigay ni Kuya sa mga nominated Housemates!

  • S03E58 #PBBCollabFurwell

    • May 8, 2025

    Muling sinubukan ng mga nominado na makuhanan ng litrato si Esnyr para sa kanilang secret task — at matagumpay nila itong nagawa. Samantala, isang masakit na balita ang natanggap ni Bianca: namaalam na ang kanyang fur baby na si Peach. Bumuhos ang emosyon habang siya'y nagdadalamhati. Binigyan siya ni Kuya ng pagkakataong makasama muli si Peach, pati na rin ang kanyang mga magulang.

  • S03E59 #PBBCollabSneakPics

    • May 9, 2025

    Ibinahagi na ni Kuya sa mga nominado kung sino ang susunod nilang kukuhanan ng litrato — sina Mika at River. Nakuhanan nila si Mika habang umiiyak sa gitna ng seryosong pag-uusap nila ni Xyriel. Ngunit mukhang nahihirapan silang makuha ang litrato ni River habang galit ito. Ano kaya ang magiging diskarte nila?

  • S03E60 #PBBCollab4thDuoEviction

    • May 10, 2025

    Habang hinaharap ng mga nominado ang kanilang mga secret task, ramdam ang lumalalang tensyon habang sinusubukan nilang kuhain ang galit ni River. Si Shuvee, na labis na apektado sa mga nangyayari, bumuhos ang emosyon. Sa kabila ng lahat ng ito, ang mga nominado ay haharap na sa ika-apat na eviction.

  • S03E61 #PBBCollabWildNews

    • May 11, 2025

    Ipinaalam na ng mga nominadong Housemate sa lahat ang tungkol sa kanilang secret task. Naging emosyonal naman ang pagkakaayos nina River at Shuvee. Samantala, isang espesyal na sorpresa ang inihandog ni Kuya sa mga Housemate para sa Mother’s Day.

  • S03E62 #PBBCollab6thNewDuos

    • May 13, 2025

    Bianca at Will, nangakong sila ang magiging susunod na magka-duo. Samantala, kinausap ni Dustin si Bianca tungkol kay Will. Labis na naapektuhan ang mga Housemate matapos ang naganap na Eviction Night. Humarap na sila sa panibagong Duo Formation Task, kung saan nabuo ang new set of duos. Ipinahayag na rin ni Kuya ang kanilang susunod na hamon: ang The Big Carnival Concert! Sina Esnyr at Klarisse ang itinalagang Task Leaders para sa event na ito.

  • S03E63 #PBBCollabGoldenSeats

    • May 14, 2025

    Sa panibagong araw sa Bahay ni Kuya, inaral ng mga Housemate ang mga tricks na gagamitin nila para sa kanilang “The Big Carnival Concert” na gaganapin ngayong Sabado. Nalaman din nila na magkakaroon sila ng Golden Chance para sa Golden Seats—na maaaring magbigay sa kanila ng pagkakataong muling makita ang kanilang mga mahal sa buhay. Pagpasok nina Ms. Charo Santos-Concio at Mr. Dingdong Dantes, nagpalaro sila ng "Only We Know," kung saan susubukin kung gaano kakilala ng mga Housemate ang kanilang mga nanay. Ito rin ang magbibigay ng tsansa para makuha ang Golden Chance para sa kanilang mahal sa buhay.

  • S03E64 #PBBCollabDongCha

    • May 15, 2025

    Sa pagpapatuloy ng gameshow na ‘Only We Know’, mas lalo pang nakilala ng mga Houseguest—na sina Ms. Charo Santos-Concio at Dingdong Dantes—ang mga Housemate. Matapos ang kanilang masayang samahan at kwentuhan, nagbahagi naman sila ng mga payo at mensahe bago umalis sa Bahay ni Kuya. Sunod naman ay naghanda na ang mga Housemate para sa kaarawan ni Dustin. Bilang bahagi ng Secret Task ni Kuya, humingi si Bianca ng tulong kay River para makumpleto ang surpresa para sa kaarawan ni Dustin—isang cake at video message mula sa pamilya niya. Sa huli, matagumpay nila itong nagawa, at naging emosyonal at masaya ang selebrasyon ni Dustin kasama ang lahat ng Housemate.

  • S03E65 #PBBCollab2ndGoldenSeatGame

    • May 16, 2025

    Binigyan ni Kuya ang mga Housemate ng Game 2 para magkaroon ng Golden Chance ang mga natalong Housemate para sa Golden Seat. Nahirapan ang mga Housemate sa Game 2, ngunit sa dulo, ang team nina AZ, Klarisse, Brent, at Vince ang nakakuha ng Golden Chance. Kinausap ni Kuya ang mga nanalong Housemate sa Game 2 upang ipaalam sa kanila na puwede nilang ibigay ang Golden Seat nila sa mga natalong Housemate. Napagdesisyunan nina AZ, Klarisse, at Vince na hindi nila ito ibibigay. Ngunit si Brent — napagdesisyunan niyang ibigay ang Golden Chance niya para sa isang Housemate.

  • S03E66 #PBBCollabTheBigCarnivalConcert

    • May 17, 2025

    Masinsinan ang naging paghahanda ng mga Housemate para sa The Big Carnival concert. Sa gitna ng kanilang rehearsal, isang hindi inaasahang insidente ang naganap—naaksidente si Bianca. Dahil dito, kinailangan niyang umatras bilang performer.

  • S03E67 #PBBCollabTheBigComeback

    • May 18, 2025

    Sa unang show ng Housemates, nabigyan ng pagkakataon sina AZ at Klarisse na makasama ng sandali ang kanilang mga ina. Bago ang concert, binalikan natin ang makabuluhang sandali ng pagbibigay ni Brent ng golden seat kay Mika. Samantala, sa ikalawang show ay dumalo ang ina ni Mika, pati na rin ang emosyonal na pagkikita nina Vince at ng kanyang ina. Sa huli, naging matagumpay ang concert! Matapos ang pagtatanghal, ipinaalam na ni Kuya sa mga Housemate ang halaga ng kanilang nalikom para sa charity. At masasaksihan na natin ang comeback ng isang Kapuso at Kapamilya Ex-Housemate!

  • S03E68 #PBBCollabBigTaguan

    • May 19, 2025

    Bakas ang pangamba sa mga Housemate matapos ang hindi inaasahang kawalan ng nominasyon. Itinalaga naman ni Kuya sina Will at River bilang weekly task leaders. Ang kanilang task ay hanapin ang isang “bagay” na kailangang itago mula sa mga girls sa loob ng isang linggo. Sa gitna ng kanilang paghahanap, unti-unti namang napapansin ng girls ang kakaibang kilos ng boys—tila nagsisimula na silang maghinala. Hanggang sa tuluyan nang matagpuan ng boys si Ralph! Kaagad nila itong kinausap at pinag-usapan ang magiging diskarte kung paano siya maitatago sa loob ng isang linggo.

  • S03E69 #PBBCollabPuslit

    • May 20, 2025

    Pinag-usapan nina Bianca at Will ang kanilang closeness at kung paano naging mas maayos ang kanilang komunikasyon. Samantala, balik-Bahay na si Charlie, at misyon ni River na maipasok siya nang hindi napapansin. Matagumpay na naipuslit ni River si Charlie, na labis na ikinatuwa ng boys. Agad nilang pinlano ang diskarte sa pagtatago kina Ralph at Charlie. Habang patuloy ang secret task, napapansin na ng girls ang kakaibang kilos ng boys. Muling pinag-usapan ng grupo ang strategy nila para hindi mabuking.

  • S03E70 #PBBCollabFinalDuoMedals

    • May 21, 2025

    Matagumpay ang unang araw ng boys sa kanilang secret weekly task, at muli nilang tinalakay ang mga diskarte para dito. Samantala, inanunsyo na ni Kuya ang Big Intensity Challenge—na agad naging usap-usapan sa Bahay. Iba-iba ang naging reaksyon ng Housemates, mula sa kaba hanggang sa pagtataka. Nakatanggap din sila ng mensahe mula sa mga evicted Housemates, kung saan naging emosyonal si Shuvee habang natuwa naman si AZ sa mensahe ni Ralph.

  • S03E71 #PBBCollab1stBigIntensityTask

    • May 22, 2025

    Sa pagbabalik sa Bahay ni Kuya, muling narinig ng mga Housemates ang boses ng mga Ex-Housemates. Isang emosyonal na sandali na nagbigay lakas at inspirasyon sa kanila upang ipagpatuloy ang kanilang journey sa loob ng Bahay. Binigyan ni Kuya ng isang espesyal na task sina Will at River—na naging daan para makausap ng mga Housemates sina Charlie at Ralph. Samantala, nagsimula na rin ang unang Big Intensity Challenge, na magtatakda ng kapalaran ng Housemates sa mga susunod na araw. Unang sumalang sa hamon ang Kapuso Housemates!

  • S03E72 #PBBCollabFinalDuoMedal

    • May 23, 2025

    Sa pagpapatuloy ng Big Intensity Task, nahirapan ang ilang Kapuso Housemates, ngunit pinilit pa rin nilang tapusin ang hamon hanggang sa pinakahuling tanong. Gayunpaman, sina Charlie at Az ay hindi na nakasagot sa huli at napilitang mag-forfeit. Kahit mahirap ang task, ipinakita ng mga Housemates ang kanilang determinasyon na makamit ang tagumpay. Sumunod na sumabak ang Kapamilya Housemates sa parehong hamon. Katulad ng Kapuso group, nahirapan din sila, pero hindi nawalan ng pag-asa. Subalit sina Bianca at River ay hindi rin nakaabot sa dulo ng task at nag-forfeit. Sa huli, inanunsyo ni Kuya na sina Shuvee at Ralph ang nagwagi sa unang Big Intensity Task at sila ang ginawaran ng medalya.

  • S03E73 #PBBCollab2ndBigIntensityTask

    • May 24, 2025

    Ang mga Housemate ay sumabak sa task na "Long Time No See," kung saan nahati sila sa boys at girls at nagsalitan habang naka-blindfold. Habang tumatagal, lalong tumaas ang hinala ng girls sa boys, lalo na nang mapansin nilang may iba pa sa loob ng Bahay. Sa isang laro, pinahahanap ng girls ang isang boy Housemate habang naka-blindfold. Kasama si Shuvee sa secret task ng boys, kaya’t mas naging pursigido ang girls na tuklasin ang sikreto—at sinugod nila ang boys’ bedroom. Sa huli, isiniwalat ni Kuya ang secret task at ipinakilala na nina Ralph at Charlie ang kanilang sarili. Ipinahayag din ni Kuya ang naging resulta ng 1st Big Intensity Challenge kung saan nagwagi sina Shuvee at Ralph, at kung ano ang susunod na mangyayari matapos ang 2nd Big Intensity Challenge.

  • S03E74 #PBBCollabBigIntensityChallenge2

    • May 25, 2025

    Sumabak na sa ikalawang Big Intensity Challenge ang mga Kapuso at Kapamilya Housemate! Bumuhos ang emosyon at bakas ang tensyon habang hinarap nila ang hamon. Isa-isa nang naging nominado ang mga Housemate, hanggang sa sina AZ at Esnyr na lamang ang natira—na nangangahulugang sila ang nagwagi ng final duo medal at ligtas mula sa nominasyon.

  • S03E75 #PBBCollabBSita

    • May 26, 2025

    Matapos ang emosyonal na Big Intensity Challenge, hinarap ng mga Housemate ang naging resulta nito. Tila hindi pa rin maka-move on ang mga Housemate sa matinding hamon. Agad din nilang napansin ang biglang pagkawala nina AZ, Esnyr, Ralph, at Shuvee. Sila AZ, Esnyr, Ralph, at Shuvee ay pansamantalang mananatili sa secret room. Samantala, ipinakilala na si Bianca Umali bilang bagong Houseguest!

  • S03E76 #PBBCollabMoneyRollTask

    • May 27, 2025

    Pagdating ni Bianca, agad siyang nakipag-bonding sa mga Housemate. Tumungo rin siya sa Secret Room upang kumustahin sina AZ, Esnyr, Ralph, at Shuvee, at ibinahagi ang kanilang kalagayan—na agad ikinabahala ng iba. Samantala, sina AZ, Esnyr, Shuvee, at Ralph ay nakapasok na sa Secret Confession Room at naibahagi ang kanilang mga saloobin. Natanggap na rin ng Housemates ang bagong hamon—ang Money Roll Task! Sa pagpapatuloy ng task, ramdam ang pagod ng mga Housemate. Gayunpaman, pursigido silang magtagumpay—para sa sarili at para kina Shuvee, Ralph, Esnyr, at AZ.

  • S03E77 #PBBCollabSecretRoomBudget

    • May 28, 2025

    Matagumpay na naharap ng Housemates ang Money Roll Task, dahilan upang makakuha ng sapat na budget ang mga nasa Secret Room. Sumabak rin sa parehong hamon ang mga girls—at kahit nahirapan sa simula, matagumpay din nila itong nalampasan. Bilang dagdag na challenge, nagbigay si Kuya ng karagdagang panels para sa Money Roll Task na agad namang tinanggap ng Housemates para madagdagan pa ang budget. Sa isang malaking twist, ipinatawag ni Kuya ang mga nominado at ligtas—nang hindi nila alam, pagpapalitin na pala sila ng kalagayan. Sa huli, tuluyan nang nakabalik sa Bahay ang mga ligtas na Housemate.

  • S03E78 #PBBCollabAnJaneNaSiya

    • May 29, 2025

    Pagkatapos ng paglipat ng mga Ligtas at Nominadong Housemates, isang bagong Houseguest ang pumasok sa Bahay ni Kuya—si Jane De Leon. Si Jane at si B ay tinawag na Houseguest Duo. Pagkapasok sa bahay, agad na kinilala ni Jane ang mga Ligtas at Nominadong Housemates. Samantala, nalaman na rin ni B na oras na para tuluyan siyang lumisan sa bahay. Pero bago ito, nakisama muna siya kina Jane at sa mga Ligtas na Housemates sa Money Roll Task upang madagdagan ang budget ng mga Nominado. Sa pagtatapos ng task, matagumpay nilang naipasok ang mga bola at naipon ang dagdag na budget. Sa huli, nagpaalam si B sa kanyang mga kasama. Bilang sorpresa, binigyan siya ni Kuya ng isang espesyal na nameplate bilang alay para sa kanyang ina, si May.

  • S03E79 #PBBCollabBalikBahayTask

    • May 30, 2025

    Habang nakikipag-bonding si Jane kasama ang mga Ligtas Housemate, pinag-usapan naman ng mga Nominadong Housemate kung paano nila gagamitin nang maayos ang natitirang budget. Sa tulong nina Jane at ng mga Ligtas Housemate, matagumpay nilang natapos ang Money Roll Task na nakadagdag ng ₱1,200 sa kanilang budget. Nagpakitang-gilas naman ang mga Nominado upang mas madagdagan pa ito. Sa "Balik Bahay Task," naitawid na ng mga Ligtas Housemate ang unang Nominadong Housemate na si Xyriel pabalik sa Bahay ni Kuya, at sumunod naman si Klarisse. Gayunpaman, habang nagpapatuloy ang task, ramdam na ang pagtaas ng tensyon sa pagitan ng mga Housemate dahil sa hirap at pressure ng hamon.

  • S03E80 #PBBCollab5thEvictionNight

    • May 31, 2025

    Tumindi ang tensyon sa naging pagharap ng Housemates sa Balik Bahay Task, kung saan labis na naging emosyonal si Jane. Bagamat hindi nagtagumpay ang mga Housemate sa kanilang weekly task, isang mahalagang aral pa rin ang iniwan ni Kuya para sa lahat.

  • S03E81 #PBBCollabThankYouJane

    • June 1, 2025

    Inatasan ni Kuya si Jane na alamin at ipagluto ang paboritong pagkain ng mga nominado bilang isang sorpresa. Kasunod nito, nagkaroon ng nakakatuwang “prank” si Kuya kaugnay sa niluto ni Jane. Pinagbigyan din ang hiling ng Housemates na magkaroon ng Game Night.

  • S03E82 #PBBCollabWhiteBox

    • June 2, 2025

    Natanggap na ng mga Housemate ang kanilang final duo medals at nakita rin nila ang isang platform na bahagi ng susunod na hamon. Inilahad ni Kuya na kailangan muna nilang i-rank ang isa’t isa bago sila magpatuloy sa final duo formation task. Dahil dito, nagsimula nang magplano at mag-diskarte ang bawat isa, at nagkaroon ng hiwa-hiwalay na pag-uusap ang mga Kapuso at Kapamilya Housemates upang mapagdesisyunan kung paano nila iraranggo ang isa’t isa. Matapos ang deliberasyon, sinabi na ng mga Housemate ang kanilang napiling rankings. Ngunit naman si River ay labis naging emosyonal ukol sa kanyang ranking.

  • S03E83 #PBBCollabRanking

    • June 3, 2025

    Nabuo na nga ang rankings ng Housemates base sa naging botohan. Matapos nito, nalaman din nila kung sino sa mga Kapuso at Kapamilya Housemates ang itinuring na least desirable na maging ka-duo. Agad namang tumaas ang emosyon ng ilan sa kanila matapos ang rebelasyong ito. Samantala, humantong na nga sa final decision ang mga Housemates patungkol sa kanilang rankings.

  • S03E84 #PBBCollabFinalDuoFormationTask

    • June 4, 2025

    Naging usapan pa rin ng mga Housemate ang naganap na ranking, at tila labis silang apektado sa mga nangyari. Matapos nito, ipinaalam na ni Kuya na haharap na sila sa Final Duo Formation Task. Sa kanilang pagsabak dito, agad namang tumaas ang tensyon! Bakas ang pressure at kaba sa mga Housemate habang tinatanggap nila ang hamon—tila nahihirapan na sila, ngunit hindi maikakaila ang kanilang pagpupursige na mapagtagumpayan ito. Sino-sino kaya ang mga naunang nakatapos sa Final Duo Formation Task? Kilalanin na sila!

  • S03E85 #PBBCollabFinalDuoDay1

    • June 5, 2025

    Sa pagpapatuloy ng Final Duo Formation Task, patuloy na hinamon ng pagsubok ang mga natitirang Housemates. Sa pagtatapos ng task, sina AZ, Bianca, Charlie, at Brent ang matagumpay na nakatapos, habang si Esnyr naman ang nahuling natapos at napunta sa pinakahuling ranggo. Pagkatapos ng Final Rankings, ipinahayag na ang Rank 1 na si Ralph ay binigyan ng espesyal na pribilehiyo na pumili ng gusto niyang maging ka-duo. Ang mga Housemate mula Rank 2 hanggang 12 ay may posibilidad na matanggihan ng isang beses ng sinumang piliin nila. Bago ibunyag ni Ralph ang kanyang napiling Final Duo, binalikan muna ang kanyang naging paglalakbay at ang mga ka-duong nakasama niya sa buong proseso ng kompetisyon sa Bahay ni Kuya.

  • S03E86 #PBBCollabFinalDuoDay2

    • June 6, 2025

    Bago ang Final Duo Formation Task, isinelebreyt sa loob ng Bahay ni Kuya ang kaarawan ni Shuvee, kung saan naghanda si Kuya ng ihawan at cake para sa kanya. Nakatanggap din siya ng ispesyal na video message mula sa kanyang pamilya. Pagkatapos ianunsyo ang unang Final Duo, nagbahagi naman sina Ralph at Will ng kanilang saloobin tungkol sa kanilang samahan at sa pagkabuo ng kanilang duo. Bago pinili ni Shuvee ang kanyang Final Duo, binalikan muna ang kanyang journey at mga naging ka-duo. Sa huli, pinili niya si Klarisse bilang kanyang Final Duo. Ganoon din kay Dustin, ipinakita muna ang kanyang karanasan sa Bahay bago ipinahayag ang kanyang napiling Final Duo na si Bianca.

  • S03E87 #PBBCollabFinalDuoDay3

    • June 7, 2025

    #PBBCollabFinalDuoDay3

  • S03E88 #PBBCollabHarapangNomi

    • June 9, 2025

    Hinarap na ng mga Housemate ang naging resulta ng kanilang Final Duo Formation. Si Esnyr ay tila apektado sa mga nangyari at inilahad niya kay Charlie ang kanyang nararamdaman tungkol sa pagiging magka-duo nila. Sunod nilang hinarap ang 6th Nomination Night o harapang nominasyon, kung saan hayagan nilang sinabi kung kanino nila ibibigay ang kanilang mga puntos at ang mga dahilan sa likod nito. Tumaas ang tensyon sa pagitan ng mga Housemate habang isa-isa nilang binanggit ang mga nais nilang i-nominate. Sa huli, nakilala na natin kung sinu-sino ang mga duo na nominado sa eviction.

  • S03E89 #PBBCollabSaloobin

    • June 10, 2025

    Matapos ang naganap na harapang nominasyon, hindi na napigilan ang pagbuhos ng emosyon ng mga Housemate. Si Bianca ay labis na nasaktan sa ginawa ni Mika noong nominasyon. Ramdam ang bigat ng epekto ng nominasyon sa bawat isa. Sina Ralph at Will ay hindi naitago ang kanilang saloobin kaugnay sa naging desisyon nila sa pagboto. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Housemate na harapin ang isa’t isa at ipaliwanag ang kanilang mga dahilan sa pagbibigay ng puntos. Nauwi ito sa isang taos-pusong paghingi ng kapatawaran. Naging emosyonal si Mika habang humihingi ng tawad kay Bianca, na labis na nasaktan sa kanyang ginawa noong nomination.

  • S03E90 #PBBCollabHeartToHeart

    • June 11, 2025

    Humingi ng tawad si Ralph kay AZ matapos niya itong i-nominate. Samantala, binigyan ni Kuya ng bagong task ang mga Housemate—ang paggawa ng painting na may personal na kahulugan. Dumating din si Heart Evangelista sa Bahay ni Kuya, at naging bukas siya sa mga tanong ng Housemates. Ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan na nagsilbing inspirasyon sa kanila. Sa huli, isa-isang ibinahagi ng mga Housemate ang kwento sa likod ng kanilang mga painting, na hango sa kanilang sariling buhay.

  • S03E91 #PBBCollabHiBarbie

    • June 12, 2025

    Pagpasok ni Heart Evangelista sa Bahay ni Kuya, agad siyang humiling ng ice cream. Para makuha ito, kinailangan nina River at ng mga boys na kumpletuhin ang isang secret task: gawing espesyal ang paglabas ni Heart nang hindi niya namamalayan. Matagumpay nilang naisakatuparan ang mission, kaya't nakuha nila ang premyong ice cream. Pagkatapos ng maikling pagsasama, nagpaalam na si Heart. Kasunod nito, pumasok si Barbie Forteza bilang bagong Houseguest. Pagdating pa lang niya, agad niyang ginising ang mga Housemate at binasa ang task letter para sa PBB Collab Fun Run. Matapos din nila itong mapagtagumpayan, ibinigay ni Barbie ang mga kahong may kinalaman para sa susunod na task.

  • S03E92 #PBBCollabCharityTask

    • June 13, 2025

    Nagpaalam na si Barbie Forteza sa mga Housemate matapos ang makabuluhang bonding sa loob ng Bahay ni Kuya. Ang kanyang pagbisita ay nag-iwan ng inspirasyon at paalala tungkol sa tunay na layunin ng kompetisyon. Kasunod nito, sinimulan ang weekly task na "Patong-Patong na Tulong", kung saan wagi ang Duo nina AZ at River. Nakamit nila ang ₱100,000 reward para sa kanilang napiling charity matapos ang serye ng matitinding pagsubok. Bagamat may mga Housemate na nanghinayang sa hindi nila pagkapanalo, patuloy ang kanilang suporta sa mga nagtagumpay. Kinabukasan, ipinakilala ni Kuya ang bagong Weekly Task Leaders na sina Klarisse at Shuvee. Kasabay nito, isang exciting na pagbabalik—Gerald Anderson returns to PBB bilang Houseguest.

  • S03E93 #PBBCollab6thDuoEviction

    • June 14, 2025

    Pagpasok pa lang ni Gerald Anderson sa Bahay ni Kuya, agad niyang tinulungan ang mga Housemate sa kanilang 'Sa Mata ng Pagtulong' Task para sa kani-kanilang napiling charity. Sa kabila ng kanyang panandaliang pananatili bilang Celebrity Houseguest, nagsilbi siyang inspirasyon sa lahat. Nahirapan ang ilang Duo sa kanilang task, bakas rin ang tensyon sa kanila. Gayunpaman, matagumpay na natapos ng lahat ang hamon. Ipinahayag rin ni Kuya ang placements at ang mga charity rewards. Nalaman na rin kung sinong duo ang tuluyan nang nagpapaalam sa Bahay ni Kuya.

  • S03E94 #PBBCollabMariSunshine

    • June 16, 2025

    Sa araw ng eviction, bakas ang pangamba sa mga nominado. Naging usap-usapan ng mga Housemate ang posibilidad ng pag-alis. Samantala, pumasok na si Maris sa Bahay at agad na nakipagkumustahan kay Kuya. Nagkaroon ng picnic si Maris at ang mga Housemate sa garden area, kung saan ibinahagi nila ang kanilang saloobin at sinagot ang ilang katanungan. Tumanggap din si Maris ng hamon mula kay Kuya: bumuo ng kanta kasama ang mga Housemate.

  • S03E95 #PBBCollabDuoChallengers

    • June 17, 2025

    Bumuhos ang matinding emosyon sa Bahay matapos ang paglisan nina Shuvee at Klarisse. Hindi naiwasan ng ilang Housemate na sisihin ang kanilang sarili, at ramdam pa rin ang bigat ng kanilang pamamaalam. Samantala, lingid sa kaalaman ng mga Housemate, nagbabalik na ang mga Ex-Housemate! Sila ay sasabak bilang Duo Challengers kung saan kailangan nilang kilatisin ang mga Housemate. Sa gitna nito, nakatanggap ng surpresa ang mga Final Duos—ang kanilang official logos! Nagsimula na ring kilatisin at pag-usapan ng mga Ex-Housemate ang kanilang mga obserbasyon sa loob ng Bahay.

  • S03E96 #PBBCollabChallengerVisit

    • June 18, 2025

    Simula na ng pagharap ng Final Duos sa mga Duo Challengers. Isa-isa na silang kinumusta ng mga ito. Oras na rin para sina Shuvee at Klarisse ay muling humarap sa mga Housemate—at bumuhos ang emosyon sa kanilang pagbabalik. Sinamantala naman ni AZ ang pagkakataon upang humingi ng tawad sa kanila. Nagpakita na ang mga Duo Challengers sa Final Duos, habang sina Ralph at Will ay tumanggap ng panibagong task na may kinalaman sa mga bagong pasok na challengers. Samantala, laking gulat ng Final Duos sa bagong ayos ng Bahay ni Kuya! Ano nga kaya ang naghihintay para sa kanila?

  • S03E97 #PBBCollabDuoMatch

    • June 19, 2025

    Bago magsimula ang matinding labanan, inanunsyo ni Kuya ang bagong living arrangements at ang susunod na Weekly Task. Sa ika-15 na task, muling nagharap ang Duo Housemates at Duo Challengers sa isang intense na laban! Sa unang round, nanalo ang BreKa laban sa AcLey. Sumunod, nagtagumpay ang AzVer kontra KiSh . Sa third round, wagi ang DusBi laban kina Vince at Xyriel. Sa puntong ito, 3-0 na ang lamang ng Housemates. Sa ikaapat na round, matapos maalis si Esnyr, si Charlie na lang ang naiwan upang harapin ang MiLi. Naging emosyonal si Charlie matapos ang kanilang intense na paghaharap.

  • S03E98 #PBBCollabBigTapatan

    • June 20, 2025

    Lalong tumindi ang tensyon sa loob ng Pinoy Big Brother house matapos ang harapan ng mga Duo Challengers at ng mga Housemates. Pagkatapos nito, inanunsyo na ni Kuya ang panibagong task para sa Duo Challengers—isang challenge na muling susubok sa Final Duos. Tinanong ni Kuya ang bawat Duo kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat makabalik sa Bahay, at kung handa ba silang isuko ang kanilang pwesto sa Big 4. Unang humarap sa tapatan sina Charlie at Esnyr. Sinagot nila ang mga tanong ng Duo Challengers tungkol sa kanilang desisyon at performance sa competition. Sa dulo ng harapan, kapansin-pansin ang naging epekto ng mga sagot nila sa loob ng Bahay.

  • S03E99 #PBBCollabBigTapatanDay2

    • June 21, 2025

    Matapos ang sunod-sunod na matitinding tapatan laban sa mga Duo Challengers, hindi na napigilan ng ilang Housemates, kabilang si Charlie, ang pagbuhos ng kanilang emosyon. Bawat harapan ay puno ng tensyon at damdamin, lalo na nang isa-isang sumabak ang mga Final Duos — sina DusBi, RaWi, at AzVer — upang ipaglaban ang kanilang puwesto. Ramdam ang bigat ng bawat laban, hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi lalo na sa emosyonal. Sa dulo ng lahat ng naging tapatan, nauwi ito sa isang madamdaming eksena kung saan sabay-sabay na bumuhos ang emosyon ng mga Final Duos at ng mga Duo Challengers — patunay kung gaano kabigat ang pinagdaanan ng bawat isa.

  • S03E100 #PBBCollabFirstBig4

    • June 23, 2025

    Sa pagpapatuloy ng tapatan, sina Brent at Mika naman ang sumalang sa harap ng Duo Challengers. Sa kanilang pagtatapat, hindi naiwasang bumuhos ang emosyon. Samantala, makilala na rin natin kung sino sa mga Final Duos ang unang mapapasama sa Big 4. Sa naganap na botohan, sino nga kaya ang unang makakamit ng puwesto para sa huling yugto ng kanilang journey?

  • S03E101 #PBBCollabSecondBig4

    • June 24, 2025

    Masaya ang lahat matapos maging opisyal na bahagi ng Big 4 sina Charlie at Esnyr. Samantala, ang natitirang Final Duos ay mas naging desidido na makuha ang nalalabing mga puwesto. Hindi nagtagal, oras na para silang lahat ay humarap sa Big Jump Challenge. Pagsisimula pa lang ng unang Big Jump Challenge, kanya-kanyang diskarte na agad ang ipinakita ng mga Final Duos. Bakas ang hirap at tensyon sa kanilang mga mukha habang pilit na tinatapos ang hamon.

  • S03E102 #PBBCollabBig4Surprise

    • June 25, 2025

    Matapos ang tagumpay ng RaWi sa unang Big Jump Challenge, labis ang tuwa ng lahat para sa kanila. Ngunit sa kabila nito, bakas ang pangamba at dismaya sa natitirang Final Duos na patuloy na umaasang makuha ang last 2 slots sa Big 4. Samantala, isang espesyal na sorpresa ang inihandog ni Kuya para sa mga Final Duos na opisyal nang bahagi ng Big 4. Bumisita ang mga magulang nina Charlie at Esnyr, at nakisaya sila sa mga Housemate. Si Esnyr at ang kanyang ama na si Daddy Jun ay nagkaroon pa ng isang masinsinan at taos-pusong pag-uusap.

  • S03E103 #PBBCollabBig4SurpriseDay2

    • June 26, 2025

    Will at Ralph, muling nakasama ang kanilang mga magulang sa Bahay ni Kuya! Bumisita sina Mommy Mindy at Papa Raffy para sa isang masayang bonding at kwentuhan kasama ang Housemates. Kasabay ng pagbisita, inanunsyo ni Kuya ang ika-16 na Weekly Task: “Road to the Big Night,” kung saan naka-duo ng RaWi ang kanilang mga magulang. Sina Will at Mommy Mindy ang unang sumalang at nakapuntos, kasunod sina Ralph at Papa Raffy na nagbigay ng ikalawang puntos. Pagkatapos ng task, nagpaalam na ang kanilang pamilya — pero hindi matatawaran ang saya ng reunion. Sa huli inanunsyo na rin ni Kuya ang 2nd Big Jump Challenge sa Final Duos!

  • S03E104 #PBBCollabThirdBig4

    • June 27, 2025

    Sa 2nd Big Jump Challenge, naglaban ang AzVer, BreKa, at DusBi para sa natitirang pwesto sa Big 4. Sa gitna ng matinding pagod at walang tigil na ulan, isa-isang gumamit ng 100-second rest time ang mga duo para makapagpahinga at makabawi ng lakas.

  • S03E105 #PBBCollabBig4

    • June 28, 2025

    AzVer ang unang opisyal na pasok sa Big 4 matapos ang matagumpay na 2nd Big Jump Challenge. Hindi rin napigilan ng ibang Housemates ang maging emosyonal matapos ang intense na laban. Kasunod nito, dumating sa Bahay si Mommy Ida para kay River at Mommy Bing para kay AZ. Nagkaroon sila ng bonding moments kasama ang kanilang mga anak at iba pang Housemates.

  • S03E106 #PBBCollabVicesitors

    • June 30, 2025

    Sa pagpapatuloy ng handog na surpresa ni Kuya, bumisita sa Bahay ang mga magulang nina Dustin, Bianca, at Brent. Samantala, isang di-inaasahang bisita naman ang dumating para kay Mika—ang kanyang ina na si Nanay Bambie. Samantala, binalikan natin ang mga tagpo bago ang huling eviction ng edisyong ito. Sina Dustin at Bianca ay nagbigay ng madamdamin na mensahe sa kanilang mga kasama bilang pamamaalam.

  • S03E107 #PBBCollabTalkWithTitoBoy

    • July 1, 2025

    #PBBCollabTalkWithTitoBoy

  • S03E108 #PBBCollab10Comments

    • July 2, 2025

    Patuloy na hinarap ng Big 4 Duos ang mga komento at opinyon ng taongbayan patungkol sa kanila. Kinailangan ng bawat duo na ipagtanggol ang kanilang ka-Duo mula sa mga paratang at puna ng publiko. Matapos ang hamon, naging usapan ng mga Duo ang kanilang mga reaksyon sa natanggap na opinyon—isang pagkakataon para sa pagninilay at mas malalim na pagkakaunawaan. Samantala, tila may nakaabang na panibagong hamon si Kuya para sa Big 4 Duos. Ano kaya ito, at paano ito makakatulong sa kanilang laban patungo sa Big Night?

  • S03E109 #PBBCollabFirst1MChallenge

    • July 3, 2025

    Sa unang bahagi ng 1 Million Vote Challenge, sumabak sa matinding balanse at tiyagang hamon ang Big 4 Duos. Matapos ang intense na laban, binigyan ni Kuya ng pagkakataong maglibang ang mga Housemate sa larong “Paint a Picture ng...”, kung saan kailangan nilang i-reenact ang mga salitang lalabas sa screen. Pagkatapos nito, ipinakita na rin sa Big 4 Duos ang susunod na hamon para sa ikalawang bahagi ng 1 Million Vote Challenge.

  • S03E110 #PBBCollabSecond1MChallenge

    • July 4, 2025

    Hinarap ng Big 4 Duos ang kanilang ikalawang 1M Challenge. Matapos nito, muling hinarap ng Big 4 Duos ang mga komento at opinyon ng sambayanan tungkol sa kanila. Bilang sorpresa, naghandog si Kuya ng isang espesyal na dinner bilang pagpupugay sa Big 4 Duos. Sa pagdiriwang, nagbahagi ng mensahe ang bawat isa para sa kanilang ka-duo—na nauwi sa isang emosyonal na gabi para sa lahat.

  • S03E111 #PBBCollabTheBigNight

    • July 5, 2025

    Sa gabing ito, sabay-sabay nating binalikan ang naging makulay na PBB journey ng Big 4 Duos.