Matapos ang naganap na nominasyon, labis na naging emosyonal ang mga Housemates — kabilang na rito sila Ashley, Will, at Michael, na lubhang naapektuhan dahil sa pagiging nominado. Naging usap-usapan sa mga Housemates ang naganap na botohan. Samantala, binigyan naman ni Kuya ng task si Gabbi upang mas mapalapit pa ang mga Housemates sa isa't isa. Sa pamamagitan ng isang exercise, inilahad ng Housemates ang kanilang mga nais sabihin sakanilang kapwa Housemate.