Home / Series / Pinoy Big Brother: Celebrity Edition / Aired Order / Season 3 / Episode 19

#PBBCollabBeMyGuest

Inatasan ni Kuya sina Esnyr at Bianca na maghanda ng sorpresa para kay Gabbi, na nakatakdang magpaalam sa kanila. Samantala, sa pagpapatuloy ng task, sina Michael, Will, AC, at River naman ang humarap. Bumuhos ang kanilang emosyon habang ibinabahagi nila ang kani-kanilang mga nararamdaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakahain. Sinorpresa naman ni Kuya si Gabbi, at agad naging emosyonal si Gabbi nang matanggap ang mensahe mula sa kanyang mga magulang. Ibinahagi rin ni Gabbi ang mga koneksyon na nabuo niya sa mga Housemates. Sa huli, naging matagumpay ang sorpresa na inihanda ng Housemates para kay Gabbi.

Wikang Tagalog
  • Originally Aired March 27, 2025
  • Runtime 30 minutes
  • Created April 6, 2025 by
    thegoat
  • Modified April 6, 2025 by
    thegoat