Sa panibagong araw sa Bahay ni Kuya, inaral ng mga Housemate ang mga tricks na gagamitin nila para sa kanilang “The Big Carnival Concert” na gaganapin ngayong Sabado. Nalaman din nila na magkakaroon sila ng Golden Chance para sa Golden Seats—na maaaring magbigay sa kanila ng pagkakataong muling makita ang kanilang mga mahal sa buhay. Pagpasok nina Ms. Charo Santos-Concio at Mr. Dingdong Dantes, nagpalaro sila ng "Only We Know," kung saan susubukin kung gaano kakilala ng mga Housemate ang kanilang mga nanay. Ito rin ang magbibigay ng tsansa para makuha ang Golden Chance para sa kanilang mahal sa buhay.