Home / Series / Pinoy Big Brother: Celebrity Edition / Aired Order / Season 3 / Episode 73

#PBBCollab2ndBigIntensityTask

Ang mga Housemate ay sumabak sa task na "Long Time No See," kung saan nahati sila sa boys at girls at nagsalitan habang naka-blindfold. Habang tumatagal, lalong tumaas ang hinala ng girls sa boys, lalo na nang mapansin nilang may iba pa sa loob ng Bahay. Sa isang laro, pinahahanap ng girls ang isang boy Housemate habang naka-blindfold. Kasama si Shuvee sa secret task ng boys, kaya’t mas naging pursigido ang girls na tuklasin ang sikreto—at sinugod nila ang boys’ bedroom. Sa huli, isiniwalat ni Kuya ang secret task at ipinakilala na nina Ralph at Charlie ang kanilang sarili. Ipinahayag din ni Kuya ang naging resulta ng 1st Big Intensity Challenge kung saan nagwagi sina Shuvee at Ralph, at kung ano ang susunod na mangyayari matapos ang 2nd Big Intensity Challenge.

Wikang Tagalog
  • Originally Aired May 24, 2025
  • Runtime 40 minutes
  • Created June 8, 2025 by
    thegoat
  • Modified June 8, 2025 by
    thegoat