Home / Series / Pinoy Big Brother: Celebrity Edition / Aired Order / Season 3 / Episode 78

#PBBCollabAnJaneNaSiya

Pagkatapos ng paglipat ng mga Ligtas at Nominadong Housemates, isang bagong Houseguest ang pumasok sa Bahay ni Kuya—si Jane De Leon. Si Jane at si B ay tinawag na Houseguest Duo. Pagkapasok sa bahay, agad na kinilala ni Jane ang mga Ligtas at Nominadong Housemates. Samantala, nalaman na rin ni B na oras na para tuluyan siyang lumisan sa bahay. Pero bago ito, nakisama muna siya kina Jane at sa mga Ligtas na Housemates sa Money Roll Task upang madagdagan ang budget ng mga Nominado. Sa pagtatapos ng task, matagumpay nilang naipasok ang mga bola at naipon ang dagdag na budget. Sa huli, nagpaalam si B sa kanyang mga kasama. Bilang sorpresa, binigyan siya ni Kuya ng isang espesyal na nameplate bilang alay para sa kanyang ina, si May.

Wikang Tagalog
  • Originally Aired May 29, 2025
  • Runtime 30 minutes
  • Created June 11, 2025 by
    thegoat
  • Modified June 11, 2025 by
    thegoat