Home / Series / Pinoy Big Brother: Celebrity Edition / Aired Order / Season 3 / Episode 86

#PBBCollabFinalDuoDay2

Bago ang Final Duo Formation Task, isinelebreyt sa loob ng Bahay ni Kuya ang kaarawan ni Shuvee, kung saan naghanda si Kuya ng ihawan at cake para sa kanya. Nakatanggap din siya ng ispesyal na video message mula sa kanyang pamilya. Pagkatapos ianunsyo ang unang Final Duo, nagbahagi naman sina Ralph at Will ng kanilang saloobin tungkol sa kanilang samahan at sa pagkabuo ng kanilang duo. Bago pinili ni Shuvee ang kanyang Final Duo, binalikan muna ang kanyang journey at mga naging ka-duo. Sa huli, pinili niya si Klarisse bilang kanyang Final Duo. Ganoon din kay Dustin, ipinakita muna ang kanyang karanasan sa Bahay bago ipinahayag ang kanyang napiling Final Duo na si Bianca.

Wikang Tagalog
  • Originally Aired June 6, 2025
  • Runtime 32 minutes
  • Created June 19, 2025 by
    thegoat
  • Modified June 19, 2025 by
    thegoat