Pagpasok ni Heart Evangelista sa Bahay ni Kuya, agad siyang humiling ng ice cream. Para makuha ito, kinailangan nina River at ng mga boys na kumpletuhin ang isang secret task: gawing espesyal ang paglabas ni Heart nang hindi niya namamalayan. Matagumpay nilang naisakatuparan ang mission, kaya't nakuha nila ang premyong ice cream. Pagkatapos ng maikling pagsasama, nagpaalam na si Heart. Kasunod nito, pumasok si Barbie Forteza bilang bagong Houseguest. Pagdating pa lang niya, agad niyang ginising ang mga Housemate at binasa ang task letter para sa PBB Collab Fun Run. Matapos din nila itong mapagtagumpayan, ibinigay ni Barbie ang mga kahong may kinalaman para sa susunod na task.