Simula na ng pagharap ng Final Duos sa mga Duo Challengers. Isa-isa na silang kinumusta ng mga ito. Oras na rin para sina Shuvee at Klarisse ay muling humarap sa mga Housemate—at bumuhos ang emosyon sa kanilang pagbabalik. Sinamantala naman ni AZ ang pagkakataon upang humingi ng tawad sa kanila. Nagpakita na ang mga Duo Challengers sa Final Duos, habang sina Ralph at Will ay tumanggap ng panibagong task na may kinalaman sa mga bagong pasok na challengers. Samantala, laking gulat ng Final Duos sa bagong ayos ng Bahay ni Kuya! Ano nga kaya ang naghihintay para sa kanila?