Hinarap na ng mga Housemate ang naging resulta ng kanilang Final Duo Formation. Si Esnyr ay tila apektado sa mga nangyari at inilahad niya kay Charlie ang kanyang nararamdaman tungkol sa pagiging magka-duo nila. Sunod nilang hinarap ang 6th Nomination Night o harapang nominasyon, kung saan hayagan nilang sinabi kung kanino nila ibibigay ang kanilang mga puntos at ang mga dahilan sa likod nito. Tumaas ang tensyon sa pagitan ng mga Housemate habang isa-isa nilang binanggit ang mga nais nilang i-nominate. Sa huli, nakilala na natin kung sinu-sino ang mga duo na nominado sa eviction.