Matapos ang naganap na harapang nominasyon, hindi na napigilan ang pagbuhos ng emosyon ng mga Housemate. Si Bianca ay labis na nasaktan sa ginawa ni Mika noong nominasyon. Ramdam ang bigat ng epekto ng nominasyon sa bawat isa. Sina Ralph at Will ay hindi naitago ang kanilang saloobin kaugnay sa naging desisyon nila sa pagboto. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Housemate na harapin ang isa’t isa at ipaliwanag ang kanilang mga dahilan sa pagbibigay ng puntos. Nauwi ito sa isang taos-pusong paghingi ng kapatawaran. Naging emosyonal si Mika habang humihingi ng tawad kay Bianca, na labis na nasaktan sa kanyang ginawa noong nomination.